Isinagawa ang ngayong araw, July 5, 2023 sa People’s Palace Lobby ang opening ng 49th Nutrition Month Celebration sa Cotabato City sa pangunguna ng City Health Office sa pamumuno ni City Health Officer Dr. Marlow O. Niñal.
Ang selebrasyong ito ay kolaborasyon sa pagitan ng Bangsamoro Government, Cotabato City Government, Department of Health (DOH), at National Nutrition Council. Sa taong ito, ang tema ng Nutrition Month ay HEALTHY DIET gawing affordable FOR ALL!
Nais masolusyunan ng gobyerno ang kinakaharap na malnutrisyon ng mga Pilipino sa bansa. Ayon sa datos ng Food and Agriculture Organization of the United Nations, isa sa tatlong Pilipino ang nakararanas ng malnutrisyon. Dulot ito ng kawalan ng makukuhanan ng malinis na inuming tubig at iba’t ibang uri ng prutas at gulay.
Ilan sa mga hakbang na kanilang isasagawa ay ang community and school gardening na tutulong sa pagkakaroon ng access ng bawat local communities sa masusustansiyang pagkain. Sa ganitong paraan, magkakaroon na rin ng food security ang bawat komunidad at di na mamomoroblema sa panahon ng pangangailangan.
Comments