Palakasin at pag-usbungin ang mga destinasyon sa paglalakbay ng Pilipinas - ito ang naging highlight sa Opening Ceremony ng Philippine Travel Mart (PTM) na ginanap noong September 1,2023 sa SMX Convention Hall, SM MOA, Pasay City.
Ang PTM na nasa ika-34 taonay naglalayong mag promote ng mga "hidden gems" ng bansa, o underrated tourist attractions, bukod pa sa malakas na demand para sa packaged tours sa mga sikat na destinasyon.
Ang tatlong araw na kaganapan ay nagpamalas ng halos 300 exhibitors mula sa lahat ng 17 rehiyon ng Pilipinas at pinagsamasama ang mga hotels, resorts, travel agencies, tour operators at mga opisina ng turismo.
Ang isa pang naka-highlight na alok ng PTMay ang mga paglalakbay sa BARMM, partikular na sa Cotabato City na may mga tour package na nagpapakita ng mayamang kultura, pamana, at tradisyon at mga kakaibang pagkain at natatanging arkitektura.
Commenti