top of page

33RD PNP FOUNDING ANNIVERSARY, IPINAGDIWANG SA PNP PRO BAR!



PARANG, MAGUINDANAO DEL NORTE - Dinaluhan ni Mayor Para sa Lahat Mohammad Ali "Bruce" dela Cruz Matabalao bilang Guest of Honor and Speaker ang isinagawang 33rd Philippine National Police (PNP) Founding Anniversary noong Pebrero 12, 2024 sa Police Regional Office of the Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR).


Binigyang-diin ng alkalde sa kaniyang mensahe ang pasasalamat nito sa kapulisan sa pangunguna sa pagpapanatili ng kapayapaan sa Cotabato City at sa buong rehiyon. Aniya, malaki ang papel na ginagampanan ng mga ito sa pagpaparamdam ng seguridad sa bawat Cotabateños.


Nagpapasalamat din si Mayor Matabalao dahil sa tapat na serbisyo ng kapulisan, na siyang nagsisilbing inspirasyon sa bawat Cotabateños sa pagpapanatili ng kapayapaan na siyang nagsisimula sa kanilang mga sarili.


Nagpaabot din ito ng mensahe kay PBGen Allan C. Nobleza na nawa'y ipagpatuloy nito ang tapat na serbisyo sa bayan at walang sawang pagpapalaganap ng kamalayan sa batas sa Rehiyong Bangsamoro.








1 view0 comments
bottom of page