Matagumpay na naisagawa ngayong umaga ang pagtatanim sa 300 mangrove saplings at Coastal Clean-up para sa pagdiriwang ng Earth Day 2023 na siyang isinagawa sa Mangrove Restoration Program sa Buaya-Buaya Kalanganan II, Cotabato City.
Sama-sama ang mga kawani ng Cotabato City Government sa pangunguna ni City Administrator Atty. Aelan Arumpac. Kaakibat ng Cotabato City Government ang Philippine National Police (PNP) Philippine Army (PA), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Air Force, Philippine Coast Guard, Task Force Kutawato, at Kutawato Youth Network.
Isa ito sa mga restoration program ng Lungsod ng Cotabato katuwang ang United States Aid for International Development (USAID) Catholic Relief Services at Conservation International. Ang nasabing restoration program ay makatutulong sa lungsod na labanan ang nararanasang pabago-bagong panahon, malalakas na ulan at alon, maging ang biglaang pagbaha at pagpapanatili ng masiglang pamumuhay ng mga mamamayan ng Kalanganan.
Comments