Isinagawa sa araw na ito ang 2nd Regular Session ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex (SKCC) Governor Gutierrez Avenue, Cotabato City.
Naiproklama bilang temporary Wali of the Bangsamoro Government si Member of Parliament (MP) Said Z. Salendab matapos ang pagkakasawi ni dating Wali of the Bangsamoro Government Sheikh Khalipha Nando noong Pebrero.
Naghatid din ng mensahe si Chief Minister Ahod Ebrahim hinggil sa mga naabot na ng Bangsamoro Government at mga kakailanganin pa nitong ipasa bago matapos ang 2023. Aniya “Our time is limited, our functions are predetermined, and our resources are scarce. But through our shared love for our homeland and guidance from Allah (SWT), we will continue writing the significant chapters of our journey towards an empowered, cohesive, and progressive Bangsamoro” – CM Ebrahim.
Dumalo rin sina City Vice Mayor of Cotabato Johari “Butch” Abu at City Mayor Representative Atty. Nes Hashim Biruar Lidasan sa isinagawang session.
Naroroon rin ang ilang matatas na opisyal ng Bangsamoro Government at ilang Local Government Units (LGUs) na nasa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Comments