Isinagawa ang 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill 2023 na nilahukan ng mga ng lahat ng departamento at opisina ng Cotabato City Government dakong 9:00 ng umaga ngayong araw, ikaw-9 ng Hunyo 2023.
Ang naturang simultaneous earthquake drill ay pinangunahan ng City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO).
Ayon kay Mayor Para sa Lahat Bruce Matabalao, ang pagsasagawa ng nationwide earthquake drill ay paghahanda sa publiko sa posibleng malakas na lindol. Paliwanag naman ng CDRRMO, magkakaroon ng ceremonial sounding ng buzzer na nagpapahiwatig na simula na ng earthquake drill.
Aniya, simpleng protocol lamang ito subalit makapagliligtas at mababawasan ang aksidente sakaling tumama ang lindol partikular ang ‘The Big One’.
Ayon naman sa Bureau of Fire Protection (BFP), kailangan lamang na alalahanin ng bawat isa ang steps o protocols sakaling magkaroon ng lindol. Kabilang na dito ang pagiging kalmado, pagsasagawa ng ‘Duck, Cover and Hold’; lumayo sa mga bintana, salamin o mabibigat na bagay na maaaring bumagsak at sakaling wala nang pagyanig maaring lumabas ng gusali ng mahinahon at pumuwesto sa open space.
Nagbigay din ang BFP ng dagdag kaalaman at paghahanda sa iba’t ibang sangay ng mga rescue teams.
Samantala, nagbigay naman ng mensahe ng pamamatnubay si Secretary to the Mayor Guianodin Abdilah na dapat laging handa sa anumang sakuna at alam ang mga dapat gawin sa oras ng kalamidad at pangangailangan.
Comments