top of page

2ND QUARTER JOINT CPOC AND CADAC MEETING


Matagumpay na ginanap kahapon, 27 June, ang joint City Peace and Order Council (CPOC) at City Anti-Drug Abuse Council (CADAC)-City Disaster Risk Reduction Management First Quarter Meeting sa Pagana Kutawato and Native Restaurant, Cotabato City.


Sa pagpupulong ng iba't ibang mga lokal na ahensya, pinangunahan ito ni Mayor Para sa Lahat Bruce Matabalao, upang harapin ang mga isyu sa banta sa seguridad, anti-illegal drug at gambling operations, drug reformation programs, road clearing activities, at iba pa.

Sa kanyang panimulang mensahe, sinabi ni Mayor Matabalao na bagama’t marami sa mga barangay kapitan ang nagpakita ng resistensya sa kanyang pamumuno dahil sa usapin ng pulitika, idiniin niyang hindi naging hadlang iyon sa pagbibigay serbisyo sa mga Cotabateños.


Dagdag niya, ang joint CPOC at CADAC Meeting ay tutugon sa mga isyung magpapanatili ng ligtas at na kapaligiran para sa mga Cotabateños. Pinuri rin niya ang pagsisikap ng mga ahensyang nagpapatupad ng batas at iba pang stakeholders sa paglaban sa krimen at droga at hinimok silang patuloy na magtulungan tungo sa pagkamit ng mga layunin ng lungsod.


Ayon sa alkalde, “ It will be my first year as City Mayor on June 30. Marami na tayong nagawa at marami pa tayong magagawa kung ang bawat barangay lalo na ang mga kapitan ay makikipagtulungan sa local na pamahalaan upang siguraduhing ang ating programa at serbisyo ay tunay na para sa lahat.”





Sa ulat ng Cotabato City Police Director, Police Colonel Querubin Manalang, Jr., mas bumaba ang index at non-index crimes ngayong second quarter kumpara noon unang quarter ng taong ito. Pagdating sa focus crimes, bumaba ng 6 or 23.08% ang total focus crimes statistics at Malaki rin ang pagbaba ng mga insidente ng krimen kung saan nakatala ng 41 o 18.22%.


Binigyang diin din ni City Director Manalang na naging epektibo ang 13 new police outposts na nilagay ng CCPO sa mga estratehiyang lugar sa lungsod at dadagdagan pa ang mga outposts sa mga piling barangay kung saan iminungkahi ng mga Barangay Kapitan partikular sa mga barangay ng Tamontaka Mother, Tamontaka 4, , Poblacion 6, Poblacion 4, Rosary Heights 3 at Rosary Heights 2.


Samantala, sa ulat naman ng Naval Task Unit (NTU) na pinapangunahan ni Commander Col. Zaldy Diondena, bumaba ng anim ang shooting incidents sa lungsod kumpara noong unang quarter kung saan 13 shooting incidents ang naitala. Sinabi rin niyang maliban sa police outposts ng PNP, may 15 outposts naman ang NTU sa loob at labas ng lungsod. Pinasalamatan niya rin si Mayor Matabalao sa donasyon nitong anim (6) na motorsiklo na makakatulong sa pagroronda ng mga Marines. Dagdag niya, first batch pa lamang ng motor vehicle donation ni Mayor Matabalao at madadagdagan pa ang mga motorsiklo na ibibigay nito sa NTU.





Pagdating naman sa ulat ng Cotabato City Fire Station, inulat ni SINSP Ike Lachica, Jr., Fire Marshall ng BFP Cotabato City na nagkaroon ng siyam (9) na fire incidents sa lungsod kung saan nasa Php1.12 Million ang total damage. Kumpara sa nakaraang taon, mas maliit ang halaga ng total damage ngayong taon. Ibinahagi niya rin na noong nakaraang buwan ay nakatanggap sila ng dalawang (2) firetrucks mula sa BARMM Ministry of Interior and Local Government (MILG) kung saan kasalukuyan nang ginagamit sa lungsod.


Pagdating naman sa usapin ng Jail Management, 242% na ang jail capacity sa lungsod kung saan ang monthly average na persons deprived of liberty (PDLs) ay nasa anim (6).

Ang bilang ng mga kaso na may kaugnayan sa droga sa lungsod bilang isa sa mga dahilan ng paglobo ng populasyon ng mga detenido. Ayon kay JO2 Meliton Glimada, Jr., 108 out of 146 male PDLs ang may kasong may kaugnayan sa droga samantalang 23 out of 25 naman sa mga kababaihan.



Samantala, sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na iprinesenta ni Agent Asnawi Adil Salik, JD, patuloy sila sa pagproseso ng mga aplikanteng barangay para sa drug-clearing activities. Mula sa 37 barangays sa lungsod, walo ( na ang idineklarang drug-cleared barangays - Tamontaka 4, Kalanganan 1, Kalanganan 2, Tamontaka 3, Tamontaka 5, Rosary Heights 4, Rosary Heights 12 at Tamontaka 2.


Binigyang diin din ni Agent Salik na mayroong isang barangay kapitan ang kinasuhan ng PDEA dahil tinanggihan nitong makipagtulungan sa pamunuuan sa pagsasagawa ng Barangay Drug Clearing Program.

Bilang pagtapos ng 2nd Quarter Meeting, hinikayat ni MILG BARMM City Director Mohammad Farzieh Abutazil na patuloy na maging mapagmatyag at agad na mag-ulat ng mga kahina-hinalang aktibidad sa kanilang mga lugar ang mga barangay at dapat na magkaisa at magkapit-bisig ang tungo sa iisang layunin ng pagkamit ng isang Cotabato City na para sa lahat.





2 views0 comments

Comentarios


bottom of page