top of page

2ND CITY DISASTER RISK REDUCTION MANAGEMENT COUNCIL MEETING


Pagpapaigting ng seguridad at paghahanda sa anumang potensyal na kalamidad ang naging sentro ng 2nd Quarter CDRRM Council Meeting ngayong araw, ika-1 ng Hunyo 2023.


Samantala, ibinalita rin ng Bureau of Fire Protection ang kanilang produktibong mga aktibidad noong Fire Prevention Month noong Marso kabilang na ang pakikipagtulungan sa mga eskwelahan para sa Fire Safety Webinars, Fire Drill, Drawing and Poster Making Contest, Fire Prevention Mall Exhibit at iba pa.


Inihayag naman ni Secretary to the City Mayor, Guianodin Abdillah, na paglalaanan ng mas agarang atensyon ang problema sa baha at basura sa mga barangay upang maiwasan ang pagbara ng mga kanal. Binigyang pansin din ang pondo para sa CPR Training sa lungsod, Basic Life Support Training at iba’t ibang seminars para sa mas epektibo at mahusay na operasyon ng mga responders sa Cotabato City.


Pinangunahan ito ng CDRRMO sa pamumuno ni OIC Amil Esmael kung saan dumalo rin ang iba’t ibang ahensiya, organisasyon at iba pang mga kinatawan ng iba’t ibang departamento ng City Government of Cotabato.


4 views0 comments

Comments


bottom of page