top of page

2ND BDP LAUNCHING FOR THE YEAR 2023-2028 AT SKCC


Ipapakita ng Bangsamoro Government ang kanilang Bangsamoro Development Plan (BDP) para sa taong 2023-2028 sa Sultan Kudarat Cultural Complex, Bangsamoro Government Center, Cotabato City ngayong araw, April 12, 2023.



Nakapaloob sa planong ito ang magiging hakbang ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa usaping pagpapaunlad ng ekonomiya ng rehiyon partikular na ang inflation at iba pang impluwensiya mula sa iba’t ibang bansa na makakaapekto sa pag-usbong ng ekonomiya ng Bangsamoro region.



Sa mensaheng hatid naman ni Secretary to the City Mayor Jay Abdillah, hindi maiiwasan na tayo ay may makakaharap na mga problema na siyang susubok sa atin tungo sa kaunlaran, ngunit ang bagay na siyang hindi mawawala sa atin ay ang determinasyon at walang pagod na paghahatid ng serbisyo-publiko para sa ikakaunlad ng ating rehiyon.


Dagdag pa nito, makakamit lamang natin ang ating mga adhikain para sa mamamayang Bangsamoro kapag tayo ay magtutulungan. Walang sawang suporta naman at pakikiisa ang maihahatid ng Cotabato City Government sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Para sa Lahat Mohammad Ali “Bruce” Matabalao na siyang magbibigay ng kasiguraduhan na sabay uunlad ang Cotabato City kasama ang buong Bangsamoro region.



1 view0 comments

Comments


bottom of page