Isinagawa noong September 21, 2023 ang unang araw ng 2023 Washington SYCIP 17th National Education Summit na siyang dinaluhan ni Mayor Para sa Lahat Mohammad Ali “Bruce” dela Cruz Matabalao sa Philippine International Convention Center.
Ang kabuuang layunin ng naturang aktibidad ay mabigyan ng sapat na edukasyon ang mga kabataan upang ang bawat isa sa kanila ay may kakayahan nang magbasa pagtungtong sa ikatlong baitang (Grade-3).
Dumalo rin ang mga gobernador, alkalde ng iba’t ibang panig ng bansa at mga opisyal ng malalaking organisasyon o kumpaniya upang sama-samang makabuo ng isang solusyon para sa kabataan ng Pilipinas.
Nahaharap ang bansa sa isang krisis kung saan, maliban sa may mababang karunungan sa pagbabasa, ay nahihirapan na rin ang mga kabataang maintindihan ang kanilang inaaral kung kaya’t isinusulong ito ngayon habang nasa murang edad pa lamang ang mga ito.
Comments