top of page

2023 GALING POOK GOVERNANCE FAIR ON LOCAL ECONOMIC DEVELOPMENT


Simula Pebrero, sumailalim sina Mayor Para sa Lahat Bruce Matabalao kasama ang Department Heads sa Adaptive and Innovative Leadership Program ng Galing Pook Inc. Ang programa ay isang participatory, adaptive, at innovative na leadership course kung saan may four-module leadership at value-creation learning experience para sa mga Local Chief Executives ng bansa at A+I Team ng mga Local Government Units.



Ang mga layunin ng Governance Fair ay kilalanin ang napakahalagang pakikipag-ugnayan ng civil society sa pagtulong sa iba't ibang LGUs upang makamit ang napapanatiling panlipunan, pang-ekonomiya, teknolohikal, pampulitika at institusyonal na pag-unlad; palakasin ang kapasidad ng mga LGUs na magbigay ng mga pagkakataon para sa isang inklusibo at epektibong partisipasyon ng mamamayan sa lokal na pamamahala; at magbigay ng inspirasyon sa mas malaking populasyon na makiisa sa krusada para sa mabuting pamamahala.





Iprinesenta rin ng mga LGUs ang kanilang Banner Programs kung saan nagbigay komento rin ang iba pang kasamang LGUs. Ibinida naman ng Cotabato City ang Banner Program nitong SUPER CITY - isang visionary new integrated Cotabato Business District sa gitna ng Bangsamoro Region - a city within the city


Ito ay isang revolutionary, self-sustaining smart community, redefining the Crown Jewel. Ito ay idedesenyo bilang first super city sa BARMM na naglalayong bumuo ng isang internasyonal na komunidad na may komersyal o tirahan, conventions, healthcare facilities, sports centers, turismo, edukasyon at mga sentro ng palakasan - isang tunay na BARMM metropolis.


Binigayang puri naman ni Galing Pook Mentor at former Negros Occidental Governor Rafael “Lito” Coscolluela ang presentasyon ng Cotabato City kung saan ipinamalas ng lungsod ang Economic Opportunities na taglay nito.


Bukas ay inaasahan namang iprisente ng mga alkalde o LGU representatives ang mga banner programs sa Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Foreign Affairs and Trade (DFAT), Galing Pook Inc at iba pang mga inanyayahang kasosyo mula sa pambansang pamahalaan at pribadong sector.


Ang delegasyon ng Cotabato City ay binubuo nina:

•City Administrator Atty. Aelan Arumpac

•City Agriculturist Roy Jesus Fiesta

•City Budget Officer Regina Detalla

•City Cooperative Officer Belen Tanghal

•City Environment and Natural Resources Officer Engr. Crisanto Saavedra

•City Information Officer Bea Almoite

•Senior Trade and Investments Officer Mary Grace Sambo

•OIC Public Employment and Services Officer Marilou Antonio

•OIC Tourism Officer Ainee Rayanna Arumpac






2 views0 comments

Comentarios


bottom of page