Pormal nang nagsimula ngayong araw ang pinakaaabangan na BARMMAA Athletic Association Meet sa Cotabato City.
Sa ginanap na opening program sa Cotabato State University, sinabi ni Mayor Para sa Lahat Bruce Matabalao na nais niyang ang pagsisimula ay manaig sa palaro na ito ang diwa ng pagkakaisa, lakas, at katatagan sa kabila ng emosyonal stress na dinala ng pandemya.
" Ngayon ang pangalawang taon nang magsimula ang BARMMAA para malinang ang kakayahan ng ating mga atleta para sa mga local, nasyonal at internasyonal na kompetisyon. Ito rin ang nagsisilbing lunsaran ng ating pagtuklas sa mga kabataang Bangsamorong magdadala ng karangalan saating lungsod sa mga pangmalakihang entablado," ayon kay Mayor Matabalao.
Dumalo sa pagbubukas ng BARMMAA Meet ang iba't ibang matataas na opisyal ng Bangsamoro Rehiyon sa pangunguna ni MBHTE Minister Mohagher Iqbal. Ito na ang unang beses na ang Cotabato City ang host sa BARMMAA Meet kung saan maglalaban-laban sa iba't ibang sports competition ang mga manlalaro mula sa mga probinsya ng Maguindanao, Lanao del Sur, Basilan, Sulu
at Tawi-Tawi.
Sa palarong ito, inaasahang maihahanda ng MBHTE BARMM ang mga atletang puwedeng isalang sa Palarong Pambansa. Ang BARMMAA ay magtatagal hanggang May 29.
Comments