Kasabay ng pagdiriwang ng 64th Araw ng Cotabato ngayong buwan ng Hunyo, isinagawa ang 2023 Annual Free Legal Counseling sa People's Palace Lobby, noong June 24, 2023 katuwang ang Intergrated Bar of the Philippines (IBP).
Civil Cases tulad ng Sum of Money at Family Cases, Notarization, Land Disputes, Criminal Cases, Administrative Cases, at Correction of Entries sa mga birth certificates ay ilan lamang sa mga serbisyong inihatid ng mga abogadong nagkawang-gawa para sa mga Cotabateños.
Nagsilbi itong oportunidad para sa mga mamamayan nating walang pinansyal na kakayahan na makakuha ng sariling abugado para sa mga gusot na nais nilang maituwid. Ikinatuwa naman ito ng mga nakatanggap ng serbisyo at hinihiling ng mga ito na sana'y meron pang mga darating na proyekto upang mas marami pang mga kababayan ang mahatiran ng tulong.
Comments