Ibinahagi na sa kauna-unahang pagkakataon ang Seed Capital Fund Release para sa mga Sustainable Livelihood Program (SLP) Participants na siyang isinagawa sa People’s Palace Lobby mula sa Ministry of Social Services and Development (MSSD).
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Mayor Para sa Lahat Mohammad Ali “Bruce” dela Cruz Matabalao sa kapital na ibinahagi ng MSSD na nagkakahalaga ng 15,000 pesos. Dagdag pa niya, matagal nang nakahanda ang pondo para sa mga SLP participants, ngunit ngayon lamang ito naibahagi sapagkat hindi ito tinatanggap ng nakaraang administrasyon.
Ayon naman kay Deputy Minister of MSSD Atty. Nur Ainee Tan Lim, mayroong magandang relasyon sa pagitan ng Cotabato City Government a Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Government dahil sa pamamaraan ng pagpapatakbo ni Mayor Matabalao, kung saan, nakasentro ang kasalukuyang administrasyon sa Moral Governance at paghahatid ng serbisyo para sa lahat.
Bilang huling mensahe ng alkalde, kabilang sa adhikain nito na mapabago bilang isang super city ang Cotabato City kasama ang mga mamamayan nito. Kung kaya’t napapanahon ito upang sama-samang madama ng bawat Cotabateño. Kaunlarang hindi lamang nakikita, kundi ay nadarama.
Comments