top of page
  • Writer's pictureAdmin

1ST REGULAR SESSION OF MAGUINDANAO DEL NORTE


Matagumpay na isinagawa ni Maguindanao del Norte Governor Abdulraof Macacua at Vice Governor Bai Ainee Sinsuat ang kanilang 1st Regular Session kaninang umaga sa Alnor Mall, Cotabato City.


Kumpleto rin sa first Session ang lahat ng mga Board Members sa Probinsiya, matataas na opisyal ng BARMM at lahat ng Alkalde sa sa lalawigan kabilang si Cotabato City Mayor Para sa Lahat Mohammad Ali “Bruce” Matabalao.




Sinabi naman ni Vice Governor Sinsuat na suportado niya ang pitong priority agenda ni Governor Abdulraof Macacua at hinimok din ang mga bagong miyembro ng Sangguniang Panlalawigan na sundin ang mga mahahalaganag tuntunin sa kanilang isasagawang mga sessions at obserbahan ang “fairness” at magkasundo sa mga opinion ng bawat isa kung mayroon mang hindi pagkakaunawaan.



Samantala, ipinahayag naman ni Mayor Matabalao ang buong pusong suporta nito sa probinsiya at kumpiyansa siya na kasama ang Cotabato City, makakamit ang moral governance tungo sa pangmatagalang pagbabago at reporma na may layuning mabigyan ang Bangsamoro ng mga serbisyo na tunay na PARA SA LAHAT!





2 views0 comments
bottom of page