top of page

1ST OPEN VOLLEYBALL TOURNAMENT FOR THE 64TH ARAW NG COTABATO


Dinaluhan ng mga manlalaro mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang kauna-unahang Open Volleyball Tournament ng Cotabato City Government para sa 64th Araw ng Cotabato. Isinagawa ito noong, June 18, 2023 sa Cotabato City Sports Plaza.


Kabilang na rito ang mga manlalaro mula sa UAAP partikular n amula sa National University (NU), De La Salle University (DLSU) at San Beda University. Mayroon din namang nagmula sa mga karatig na lungsod at probinsya ng Bangsamoro Region.



Pinasinayaan ito mismo ni Mayor Para sa Lahat Mohammad Ali “Bruce” Dela Cruz Matabalao at siya mismo ang nagbigay ng mga tropeyo at awards para sa mga nakakamit ng kampyeonato at special awards. Isa ito sa mga hakbang ng administrasyong Para sa Lahat na magbigay ng kaligayahan sa mga Cotabatenos at maparami pa ang mga mamamayang magkaroon ng interes sa sports.

1 view0 comments

Comments


bottom of page