Kalakip ang temang, “Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan.”, buong pusong nakiisa at sumuporta ang Cotabato City Government sa pagdiriwang ng ika-125 na Araw ng Kalayaan ng ating bansa ngayong umaga sa People’s Palace.
Naging sentro ng selebrasyon ang pagtaas ng pambansang watawat na pinangunahan ni Mayor Para sa Lahat Bruce Matabalao, mga kawani ng lokal na pamahalaan at mga ahensya na nagpapatupad ng batas.
Naging highlight ng selebrasyon ang pagpupugay sa mga veterans at sa mga anak at apo nito. “Sa okasyong ito tayo ay nagbibigay pugay sa kabayanihan, tapang, at malasakit na ipinamalas ng ating mga ninuno. Naway maging inspirayson sila upang tularan na mamuhay at magsilbi ng tapat sa bayan,” sabi ni Mayor Matabalao.
Buong suporta rin sa selebrasyon ang City PNP, Naval Task Unit-Cotabato, Marine Battalion Landing Team-5, Bureau of Jail Management and Penology Male and Female Dormitory- Cotabato City, Bureau of Fire Protection Cotabato City at Knights of Columbus at Veterans Association of the Philippines.
Comments